Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinyente kulong sa 3 kilong `drumstick’

0 149

Swak sa kulungan ang isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) matapos tumanggap ng suhol na tatlong kilo ng ‘fresh chicken drumsticks’ mula sa motorcycle riders na pinayagang makalampas sa ‘quarantine control point’ kahit walang dokumento, Lunes ng umaga.

Si PLt. Rodrigo San Pedro Olaso, 43, nakatalaga sa District Mobile Force Batallion (DMF ng QCPD, at taga-Balatung-B, Pulilan, Bulacan, ay inaresto ng kaniyang mga nagreklamong tauhan na sina PMSG Roberto G. Telan JR, PCPL Alexis L. Licyayo, PCPL John Paul Rebustes at PCPL Jericho Bautista, QCPD-DMFB.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit, ang insidente ay naganap alas-8:15 ng umaga kahapon sa Batasan-San. Mateo Road, Barangay Batasan, QC.

Sa imbestigasyon ni PSMS Marvin Masangkay, nagsasagawa ng Quarantine Control Point ang QCPD-DMFB sa pamumuno ni PLt. Olaso nang harangin ng mga tauhan nito ang grupo ng motorcycle riders at hinanapan ng mga dokumento gaya ng deed of sale ng kanilang mga sasakyan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bagamat walang naipakita ang grupo ay pinayagan umano ang mga itong dumaan sa QCP ni Olaso pero makalipas lamang ang ilang minuto, dalawa sa riders ang bumalik at may dalang plastic bag na naglalaman ng tatlong kilo ng chicken drumstick at sinabing para ito sa mga nakabantay na pulis.

Pero tumanggi ang mga nagreklamong sina PMSg. Telan JR, Police Corporals Licyayo, Rebustes at Bautista, at inutusan ang riders na ibigay ito sa humiling na si PLt. Olaso na tinanggap naman ng tinyente.

Agad namang inireport ng mga operatiba ng DMFB-QCPD ang pagtanggap ng suhol ni PLt. Olaso kaya inaresto ng mismong tauhan nito.

Inihahanda na ang kasong ‘indirect bribery’ laban sa nasabing opisyal ng QCPD. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.