Abante Tonite Interactive

Tiongson biyaheng Dyip

412

‘Di pa nakakapaglayag sa NorthPort si Juami Tiongson, mukhang mag-iimpake na naman siya para sumakay naman sa Columbian Dyip.

Nasa tanggapan na ng PBA Commissioner’s Office ang trade papers na magdadala kina Tiongson, Lervin Flores at Joseph Gabayni mula Batang Pier papuntang Dyip kapalit nina Russel Escoto at Jerramy King.

Ilang araw pa lang ang nakakaraan nang duma­ting sa NorthPort si Tiongson mula NLEX kapalit ni Michael Miranda.

Lumapit si Escoto, 26, sa Columbian management para humingi ng trade dahil gustong magkaroon ng mas maraming minuto sa loob. Kinuha ng Dyip si Escoto sa Special Draft noong 2016 para sa mga Gilas cadet.

Isasahog si Escoto kay Mo Tautuaa sa frontcourt ng Batang Pier, magiging backcourt naman si King panapal sa binakante ni Stanley Pringle na napunta ng Ginebra.

Dagdag sa guards ng Dyip na sina Reden Celda at Rashawn McCarthy si Tiongson, sina Gabayni at Flores ay masasama sa rotation ng bigs na sina Jeepy Faundo, Andreas Cahilig at Jonjon Gabriel. (VE)