Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tiongson pa-wow ng Sept 1-5

0 51

Si Juami Tiongson ang giya ng Terrafirma sa re-start ng PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga.

Nagtuhog ng back-to-back career-best performances ang 30-year-old, 5-foot-10 point guard para itulak ang Dyip sa three straight wins at 3-4 overall card, lumalakas ang tsansa sa quarters.

Mga big time pa ang biktima ng Terrafirma – five-time titlist San Miguel Beer at defending champion Ginebra.

May average siyang 23.0 points mula sa 15 3-pointers na ikinalat sa 50 percent clip. May sahog pang 3.0 rebounds, 5.3 assists at 2.0 steals para itanghal na unanimous choice bilang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week ng Sept. 1-5. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.