Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tip box ng coffee shop hinarbat, binata kinuyog

0 65

KINUYOG ng mga tambay ang isang lalaki nang tangayin ang Tip Box na naglalaman ng P5,500 sa loob ng isang coffee shop sa Imus City, Cavite Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Rodney Castro, 38, na binata, taga-Malate, Manila dahil sa reklamo ni Karl Reden Crisologo, 24, Barista ng Teal Doa Café.

Sa ulat ni Corporal Joselle Hernandez, ng Imus City Police, alas-12:50 kamakalawa ng hapon nang pumasok ang suspek sa Teal Doa Café sa Bgry Luma 1, Imus City, Cavite at nagpanggap na customer.

Pero pagpasok ay naging malikot ang kanyang mga mata at napansin ang isang Tip Box na nakalagay sa isang lamesa malapit sa counter. Sinunggaban niya ito at binasag saka kinuha ang pera, na tiyempong napansin ni Crisologo at hinabol palabas.

Sa tulong ng mga istambay at barangay tanod ay naaresto ang suspek at binitbIt sa presinto.

Nabatid na may laman na P5,500 ang Tip Box na paghati-hatian ng mga empleyado. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.