Abante Tonite Interactive

Tipid-tipid sa tubig

266

julius-segoviaNgayon pa lang, nagbabala na ang weather bureau na Pagasa sa matinding epekto ng El Niño sa bansa. Ibig sabihin, magiging madalang ang bagsak ng ulan. Kaya ang mga pana­nim, tiyak na matutu­yot nang husto.

Wala pa namang banta sa suplay ng tubig, Pero habang maaga, importanteng ma­ging responsable tayo.

Alam naman nating mahalaga ang tubig sa tao at kalikasan. Hindi tayo mabubuhay nang walang tubig. Kaya magtipid sa konsumo nito dahil ‘every drop counts’.

Abante Hiring – IT dep

Tiyaking mahigpit ang pagkakasara ng gripo kapag hindi ginagamit. Umaabot sa 200 litro kada limang minuto ang naaaksaya kapag naiiwang bukas ang gripo.

Ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang mga sirang tubo o illegal connections.

Maglaba nang minsanan para hindi maaksaya ang tubig.

Imbes na shower, gumamit na lang ng tabo at timba sa pagligo. Isara ang gripo habang nagsasabon o nagsa-shampoo.
Matutong mag-recycle ng tubig. Ang pinagbanlawang tubig ay puwedeng ipambuhos sa kubeta o ‘di kaya’y panlinis ng mga kasangkapan sa bahay.

Iwasan ang pag­huhugas ng sasakyan araw-araw.

Gumamit ng baso sa pagsisipilyo. Iwasang nakabukas ‘all the time’ ang gripo habang nagto-toothbrush.
Magdilig ng halaman bago sumikat ang araw o di kaya’y sa dapithapon. Mabilis ding mag-eevaporate ang tubig kung tanghaling tapat ka magdidilig.

Ang sa akin lang, kailangan tayong maging responsable sa pagkonsumo ng tubig para hindi dumating ang araw na kapusin o ‘di kaya’y maubusan tayo ng suplay.