Abante Tonite Interactive

Tipid tips ngayong Valentine’s Day

By
0 158

Excited ka na ba sa papalapit na Valentine’s Day? Ready ka na pero hindi ang iyong bulsa.Nakakalungkot ‘di ba? Pero huwag kang mag-alala dahil may paraan naman para maging cheerful din ang iyong cheaper Valentine’s Day. Sundin mo lang ang mga sumusunod na tips.

1. Kung wala kang madudukot sa iyong bulsa para ayain siyang kumain sa isang expensive restaurant, puwede kang maging creative chef this time. Maaari mo siyang ipagluto ng paborito niya or puwede ka ring tumuklas ng bagong recipe na sa tingin mo ay magugustuhan niya. Hindi ka lang nakamura, naipakita mo pa sa kanya ang iyong talento sa pagluluto. O kung hindi ka naman marunong magluto puwede mo naman itong matutunan sa mga social networking sites.

2. Kapag nakapagluto ka na ay puwede kang mag-set up ng hindi naman magarbo pero romantic dining table kung saan niyo pagsasaluhan ang iyong niluto para sa kanya. Mas maganda kung lalagyan ito ng maski isang tangkay ng fresh flower like rose.

3. Puwede rin kayong mag-games na kayong dala­wa lang ang mga player.

4. Kung kayo naman ay mag-asawa na at gusto niyo namang lumabas to celebrate Valentine’s Day ay puwede kayong mamasyal sa mga lugar na hindi kayo masyadong gagastos like park, museum or picnic sa tabi ng dagat kung kayo ay nasa probinsya. Maging responsable lang sa inyong mga basura.

5. Kung mahilig naman sa musika ang iyong mahal ay puwede mo siyang handugan ng paborito niyong kanta sa pamamagitan ng paghaharana. Kung may kakayahan ka namang magsulat ng sari­ling awit ay puwede mo siyang gawan nito.