Abante Tonite Interactive

Tips to join a Beauty Pageant

Gloria Diaz
365

Maraming magagandang babae ang nangangarap maging beauty queen pero hindi lahat ay pinapalad. Kung sa tingin mo ay may katangian ka na maging isang beauty queen nararapat lamang na paghandaan mo ito ng seryoso at may determinasyon.

Marami na sa ating mga kababaihan ang pinalad na manalo sa mga banyagang patimpalak tulad nila Ms. Gloria Diaz at Ms. Margie Moran sa  Ms. Universe, Ms. Melanie Marquez at Ms. Precious Lara Quigaman sa Ms. International, Ms. Datul sa Supra National at si Ms. Megan Young sa Ms. World.

Ilan pa sa mga naging kandidata natin ang napabilang sa Top 5 sa Ms. Universe na sunud- sunod na taon tulad nila Venus Raj, Shamcey Supsup,Janine Tugonon at Arielle Arida.

Ngayon ay nagiging kontrobersyal na ang mga Filipina sa mga patimpalak sa pamamagitan ng pagpetisyon na huwag munang sumali at bigyan ng pagkakataon ang ibang bansa na manalo.

Megan Young
Megan Young

Ito ay pagpapatunay lamang na maraming magaganda at matatalinong kababaihan sa ating bansa na may karapatan para tanghaling reyna ng patimpalak.

Kaya kung nangagarap kang maging isang reyna, ilan sa mga Tips na ito ang dapat mong sundin:

1. Kailangan kang kumuha ng isang beauty queen coach na expert sa ganitong larangan. Tiyakin mo na qualify ka sa mga requirement ng isang beauty queen tulad ng height,educational attainment,status etc.

2. Kailangan kang matutong mag make-up ng sarili. At kung maari matuto ka ng natural make up. Paghandaan mo rin ang iyong SKIN at mukha.

3. Kung ikaw ay mag-aaply ng personal  sa isang patimpalak dapat na magsuot ng isang disenteng kasuotan.

4. Kung ikaw ay napabilang na sa patimpalak dapat maghanda ng mga susuotin sa gown competition  at swimwear competition . Kung sa Gown competition dapat kumuha lang ng kulay na babagay sa iyo at kung maaari isang kulay lang. Huwag masyadong maraming ruffles at detalye. Kailangan makita pa rin ang pigura ng katawan. Komportable ka sa paglalakad na hindi mo maapakan na syang maging dahilan ng pagdapa mo.

5. Magsuot ng komportableng sapatos dahil importante kung paano kang maglakad ng maayos.

6. Maging handa sa interview portion . Kung maaari pag aralan sumagot sa mga posibleng mga katanungan tulad ng “ If you will be the winner what will you do? ,”What is the essence of a beauty queen?” at marami pang iba. Parating naka-smile  at hindi dapat magpahalata na ninenerbiyos . Dapat na ipakita na ikaw ay confident na sumagot sa anumang mga tanong.

7. Paghandaan din ang iyong posibleng panalo kung paano mo tatanggapin ang korona at responsibilidad na ibibigay sa iyo. Dapat buong puso mo itong tatanggapin at gagawin sa abot ng iyong makakaya.

Ito ay ilan lamang sa mga tips na maari mong gawin sa paghahanda sa pagsali sa isang patimpalak ng kagandahan. Kaya tingin agad sa salamin at kung ikaw ay may mga katangian na sumali at maging susunod na REYNA.