Abante Tonite Interactive

Tips para maka-perfect sa exam!

349

LIFESTYLE

Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero ­consistent honor student ako mula elementary­ ­hanggang college­. Kahit ako ­nagtataka dahil hindi naman ako ang typical studious student na laging may hawak na libro.

Tingin ko, ­malaki ang naitulong ng ilang pamamaraan ko sa pagrereview kaya lagi akong nakakakuha noon ng mataas na marka sa klase.

Mag-aral nang naaayon sa iyong style. Marami ang nag-aaral sa tahimik na lugar at ayaw magpa-istorbo gaya ko. Istilo ko ring bigkasin ang lessons nang malakas. Mas nasasaulo ko kasi ang aralin kapag ­nire-recite­­ ko.

May ilan namang nagsusulat ng key words sa papel habang nag-aaral para may reviewer na rin sila.

Mas name-memorize daw ng ilang estudyante ang lesson kung may iba silang ginagawa gaya ng ­pakikinig ng radyo. Napatunayan din ng mga ­pag-aaral na ang exposure sa music bago ang isang ­matinding mental activity gaya ng pagsusulit ay ­malaki ang naitutulong para gisingin ang iyong utak at palakasin ang iyong kamalayan.

Kumain nang wasto. Malaki ang maitutulong ng tamang pagkain. Nakaka-distract sa pagkuha ng exam ang pagiging gutom.

Sleep well. Importanteng may sapat na tulog bago kumuha ng pagsusulit.

Huwag magpuyat para fresh sa isip mo ang lahat ng pinag-aralan.

Ihanda rin ang lahat ng kailangan gaya ng extra papers, ballpens, pencils, erasers at calculator kung pahihintulutan ng iyong teacher. Hassle kung wala kang gamit at magiging parasite ka na naman sa iyong mga kaklase.
Magbaon ng bottled water sa exam. Mas mabilis daw makapag-isip ang taong laging hydrated.

Sa exam proper, sagutan muna ang mga parte na alam mo. Pero tiyaking balikan ang mga number na ­nilaktawan. Okay ang style na ito lalo na kung may time limit ang exam. Huwag mag-iiwan ng blangko.

Kung mul­tiple choice ang test, alisin na sa pagpipi­lian ang mga option na alam mong i­mposibleng maging sagot. Sa ganitong paraan, mas mabilis­ ka nang makaka-decide­ ng tamang sagot.

Maghanap ng clues sa ibang test questions. Madalas­ nasa ibang number lang ang sagot sa tanong.

Useful ang ibang tricks para mabilis na ­masaulo ang numbers, categories at lists. Halimbawa, Roy G. Biv – ang pangalan na kapag na-spell out mo ay ang pagkakasunud-sunod ng rainbow colors (red, ­orange, yellow, green, blue, indigo at violet). Isa pang ­halimbawa, “Katy Perry Came Over For Great Songs” –mabisang paraan para maalala mo ang ­biological ­classifications (Kingdom, Phylum, Class, ­Order, ­Family, Genus, at Species).

Kahit anong aral mo, ‘pag hindi mo sinamahan ng dasal – balewala rin. Ang sa akin lang, huwag ­kalimutang magdasal bago at pagkatapos ng exam para gabayan ka niya.