Abante Tonite Interactive

Tips para makaiwas sa holdup

By
254

Tuwing panahon ng Kapaskuhan, naglipana rin ang mga kriminal para maghasik ng karahasan partikular na ang holdapan.

Para makaiwas sa mga krimeng ito’y sundin ang ilang paalalang ito:

Be vigilant – Manmanan ang paligid at laging maging mapagmatyag. Importanteng may situational awareness.

Be alert – ‘Wag magpaka-kampante lalo na kung nag­lalakad o nasa madilim na lugar. Better din kung iparamdam na may kumpiyansa sa sarili para lesser ang chance na ikaw ang piliing atakihin ng masasamang elemento.

Keep your valuables – Itago ang mga mamahaling gamit gaya ng cellphone at iba pang gadgets. Hangga’t maaari, iwasang maglagay ng pitaka sa likurang ­bulsa ng pantalon. Panatilihing nakadikit sa katawan ang mga dalang bag.

Do not entice criminals – Iwasang magsuot ng mamahaling alahas lalo na kung hindi naman kaila­ngan. Takaw-pansin sa mga kawatan ang mga alahas tulad ng bracelet, kuwintas at hikaw dahil madali itong hablutin.

Iwasan ang sobrang gimik o paglabas ng bahay lalo na kung dis-oras ng gabi. Kung hindi rin lang naman importante ang lakad ay mag-stay na lang sa bahay. O kaya ay magpalipas na lamang muna ng gabi sa bahay ng ­kaibigan lalo na kung nakainom na.

‘Wag ipagpalit ang pera o gamit sa buhay. May mga kriminal na ‘patapon’ na at hindi sinasanto ang buhay kaya kung armado ito’y ‘wag na lamang manlaban para hindi rin mabuwis ang buhay.