Abante Tonite Interactive

Tips para mapatulog nang maayos ang mga bata

By
235

Kung noon ay iniiyakan natin sa ating mga magulang ang pagtulog, ngayon ay kaila­ngan nating ipaintindi sa kanila ang kahalaga­han nito at patahanin ang ating mga tsikiting mula sa pagrereklamo.

Sa pagsisimula ng pamilya, isa sa mga dapat tandaan ang paghahanap ng maa­yos na tulog sa bawat isa.

Kamakailan lang nang magsagawa ng pag-aaral ang Matress Firm kung saan tinanong nila ang 2,000 magulang na kakasimula pa lang ng pamilya kung ano ang pinakamahirap na dagok na kanilang naranasan. 48% ang nag­sabi na ang paghahanap ng sapat na tulog ang pinakamahirap.

Normal na sa mga bata ang magreklamo ukol sa pagtulog. Madalas ang gusto lang nila ay maglaro at maghanap ng pagkakatuwaan.

Ngunit para sa mga magulang na pinahaha­lagahan ang importansya sa mga bagay, ang pagtulog sa tamang oras ang dapat sundin.

Narito ang ilan sa mga payo na maaaring magamit.

1. Mga kuwentong pambata – Isa sa mga makakapagpasaya sa mga munting paslit ang “bedtime stories” o mga kuwentong pabula na madalas ay ginagawang pampatulog.

2. Pagkontrol sa ‘bedtime stories’ – Kasunod naman ng aliw dulot ng mga kuwentong pambata ay ang pagbibigay ng hangganan sa mga ito. Tiyakin na magkakasundo sa oras ng pagkukwento at oras ng pagtulog upang masanay ang mga bata na sumunod.

3. Magbaon ng maraming pasensya – Normal lang din sa mga tsikiting ang pangungulit madalas kapag sumasapit ang oras ng pagtulog. Ang pagkakaroon ng mahabang pasensya ang isa sa mga sandata na dapat mong dalhin. Ang pagpapatulog sa mga bata ay nanga­ngailangan ng paulit-ulit na pagpapaintindi sa kanila at pagpapaalala kung bakit dapat silang matulog.

4. Pagbibigay ng ­rewards – Isa sa mga nakapagbibigay ng kasiyahan sa mga mata ng mga paslit ang usapan ng rewards o premyo. Maa­aring dahil sa mabu­ting asal nito o dahil nakagawa ito ng isang tungkulin. Isa rin ito sa maa­aring gamitin sa pagpapatulog sa kanila. Maaaring bigyan sila ng stickers kinaumagahan dahil sa maayos na na­ging asal nito o maaari ring bigyan sila ng paborito nilang pagkain na minsan lang nila puwedeng tikman.

Madalas din na wala tayo sa ating tahanan upang pumunta sa trabaho at kakaunting oras lamang ang puwede na­ting mailaan sa ating mga anak pagsapit ng gabi kaya ang oras ng pagpapatulog sa mga ito ang maaaring maging pambawi upang magkaroon tayo ng oras sa kanila. ­