Abante Tonite Interactive

Tips para memory maging gold

By
42

Nag-review pero nangamote sa exam? At ang excuse mo ay walang kamatayang ‘mental block’ dahil sa dami ng iyong inaral na subject. Karaniwang dahilan ng pagkakamaka­limutin ay stress, kulang sa tulog, pag-iinom at paninigarilyo at unhealthy diet na madalas na nararanasan ng mga millenials or mga young professionals. Narito ang ilang tips para ma-improve ang iyong memory:

1. Read – Gawing habit ang pagbabasa ka­tulad ng iyong mga textbooks o journals. Kung hindi ikaw ‘yung tipong bookworm, maaari ka pa rin naman magbasa ng ayon sa iyong interes gaya ng manga o comics.

2. Listen – Puwede na ring “magbasa” thru audio books o podcast na madalas binibenta or nakukuha nang libre online. Maaari ring manood ng symposia online sa Youtube at mag-take down notes para mas lalong maintindihan ang topic.

3. Write – Gumawa ng sariling notes sa mga nabasang textbook. Mas maganda kung gagawin itong simple diagram para mas lalong maintindihan at hindi masyadong ‘wordy’ ang notes.

4. Speak out loud – Minsan mas mabilis na­ting naiintindihan ang binabasa kung sinasabi ito ng malakas o subukang ituro ang iyong nalalaman sa iba.

5. Eat properly – Mas mabilis na natututo ang isang tao kung ito ay may sapat na kinain.

Iwasan ang mga tsitsirya at mako-cholesterol na pagkain dahil isa ito sa mga causes ng memory gap. Dalasan ang pagkain ng gulay at prutas lalo na ang mayaman sa anti-oxidants na nagpprotekta sa iyong brain cells na ma-damage.

6. Exercise – Mga simpleng exercise katulad ng paglalakad at pag-stretching ay nakakatulong para maging maayos ang circulation ng dugo na importante para sa ating brain.

7. Sleep – Ayon sa pag-aaral, kung mayroon ka lamang 4-6 oras ng tulog ay maari itong makaapek­to sa iyong abilidad na makapag-isip.

Sabi nga ni Kuya Kim Atienza, “Lamang ang may good memory.”