Abante Tonite Interactive

Tips sa mga plus size

0 521

ARA’S SECRET
Ara Mina

Happy tuesday to all!
Eto na naman ako sa panibagong usapin.

Gusto ko i-share naman sa inyo ang mga magagandang tips para sa mga plus size.

Lalo na pagdating sa pagpili ng mga damit.

Unang-una ang akong maipapayo kailangan kayo pumili o magsuot ng mga so­lid or dark colors lalo na ang itim.

Iwasan magsuot ng mga pastel colors. Sa mga printed na damit piliin natin ang mga may maliliit na print. At pag ito naman ay stripes pumili ng pababa o vertical para magkaroon ng ilusyon na mahaba ang iyong katawan.

Pumili din ng damit na 3/4 ang manggas kung hindi kumportable ipakita ang inyong mga braso.

‘Wag kayo magsusuot ng muscle sleeves kasi lalong magmumukhang malaki ang iyong mga braso. Piliin din ang mga stretchable na tela lalo na sa pantalon at siguraduhin ang haba nito ay hanggang sakong lamang, puwede rin gumamit ng spanks or girdle lalo na kapag magsusuot ng dress.

Tulad ko, ako ay isang malaking bulas kapag nararamdam ko na ako ay lumalaki lagi naman ako nagsusuot ng corset.

Kasi ito ay nakaka­tulong din para magkaroon ka ng hubog. Nakakatulong din siya para lumiit ang bewang.

Para naman sa buhok maganda kung magpapa-bangs ka ng patagilid pababa at dapat ang haba ng buhok mo ay nagsisimula sa dibdib pababa. Puwede rin lagyan ng layer ang buhok na magmumula sa panga.

Pag naman maglalagay ng make up ‘wag kalilimutan ang contour para maitaga ang double chin at para lumitaw ang inyong mga panga.

So far ‘yan muna ang mga maipapayo ko sa inyong lahat at higit sa lahat ‘wag niyong kakalimutan maging totoo sa at mahalin ang inyong mga sarili.
Dahil lahat tayo ay magaganda anuman ang iyong pangangatawan.
Maraming salamat muli.