Abante Tonite Interactive

Tips sa pagtitipid at pag-iipon

By
571

Kung iisipin, mahirap magtipid lalo na kung malapit ka sa kainan o sa mga pamilihan. Pagdating ng sweldo ay gastos dito gastos doon.

Mahirap pigilan ang paggastos lalo na kapag nag-sale ang mga malls. Ang mga Pilipino ay hindi pinapalagpas ang ganitong pagkakataon.

Kahit anong promo ay pupuntahan talaga iyan. Kaya narito ang ilang epektibong paraan para makapag-ipon at makatipid:

Abante Hiring – IT dep

1. I-monitor ang mga gastusin – I-monitor ang paglalabas ng pera at ilista sa notebook ang mga nagastos sa araw-araw. Sa ganitong paraan ay malalaman mo kung saan napupunta ang pera mo. Mainam na lagyan ng date ang bawat araw para mas organize.

2. Ilista ang mga expenses – Naipaplano nang mabuti ang paggastos sa pera kung iyong ililista ang mga dapat bilhin. Huwag kalimutan ang paglista kahit ang maliliit na bagay na binibili kagaya ng pamasahe sa araw-araw na pagpasok sa trabaho. Sa paraan ng paglilista ay mapag-aaralan mo kung paano makakatipid at makakapag-ipon.

3. Needs bago wants – Mahirap pigilan ang pagbili sa mga gustong bagay gaya ng sapatos, bag, damit at iba pa. Iwasan ang pagbili nang sobra o pagbili ng mga bagay na hindi naman kailangan.

4. Magtabi ng pera mula sa sahod – Ikaw ay makakaipon kung ikaw ay magtatabi mula sa iyong sahod, maliit man o malaking porsyento. Pero kung kakayanin, 20-30% ng iyong sahod ay ilagay sa savings upang mas madaling makaipon nang malaki at may magagamit ka in case of emergency.

5. Self-reward – Huwag kalimutan bigyan ng reward ang iyong sarili. Kung ikaw ay may naipon na, i-treat ang sarili sa paboritong kainan o restaurant. Maaring bumili ng ilang damit o kahit anong pansarili. Ang self-reward ay sukli sa lahat ng pagod at galing mo sa pag-iipon. Reward yourself once a while.