Abante Tonite Interactive

Tips sa panliligaw ng babae

By
1,104

Bro ikaw ba ay matagal nang single? Nahihiya kausapin si crush? Walang lakas ng loob?

Natotorpe kapag malapit na si crush? Natatameme. ‘Wag kang mag-alala, bibigyan kita ng ilang tips sa panliligaw. So paano nga ba manligaw ng babae? Ito ang ilang tips para sa’yo.

1. Be confident! — Patawanin ang babae. Malaking puntos sa babae kapag napapatawa mo siya. Magbigay ng jokes at siguraduhing hindi makaka-offend ang jokes mo.

2. Ayusin ang sarili — Mahalaga sa panliligaw ang pagiging maayos ng hitsura. Magpabango ka. Kailangan mabango ka bago humarap sa iyong nililigawan. Mas gusto ng babae o ng kahit sino naman na mabango ang kanilang manliligaw. Mas malaki ang chance na pumayag makipag-date si crush kapag maayos ang iyong hitsura.

3. Pay the bill — Bayaran ang bill ng date niyo. Bro nanliligaw ka pa lang. Mag-insist ka na ikaw ang magbabayad ng date niyo. Mahiya ka sa nililigawan mo. Lalo na kung unang date ito. Kaya mag-ipon-ipon ka na bago ka magyaya ng date!

4. Maging totoo — Mas gusto ng babae ang nagsasabi ng totoo. ‘Wag magsinungaling kung magpapa-impress lang naman. Mas malaking puntos ang hindi sinungaling. Iparamdam mo sa kanya na importante siya sa’yo at masaya ka tuwing kasama mo siya. Malamang ito ang totoong nararamdaman ng mga nanliligaw dahil gusto nila ang nililigawan nila eh.

5. Be a gentleman — Buhatin kung may mga dala man siya. Pagbuksan mo ng pinto. Huwag mong hayaang mahirapan ang babae. Kung may pagkakataon na maging sweet ka, grab the chance.

6. Be loyal — Oo bro, maging loyal ka na kahit nililigawan mo pa lang siya. Iparamdam mo na siya lang. Huwag na huwag manliligaw ng iba. Huwag pagsabayin. Huwag na huwag ding titingin sa ibang babae lalo na’t magkasama kayo kung ayaw mong mabasted.

7. Komunikasyon — Panatilihin ang komunikasyon sa isa’t isa. Laging maglaan ng oras para sa babaeng nililigiwan. Hangga’t maaari ay lagi kayong magka-text o magka-chat ‘pag hindi kayo magkasama.

Pero magpa-miss din kahit papaano. Huwag mong iparamdam na hindi siya mahalaga dahil hindi mo siya tine-text. Ika-nga sa isang quote, “The greatest gift you can give someone is your ‘time’.

Because when you give your time, you are giving a portion of your life that you will never get back.”