Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tipster ng Pampanga trader ambush may P3M pabuya

0 409

Higit P3 milyon ang alok na pabuya sa impormante hinggil sa bigong pagpatay kay Jeffrey Dizon, isang prominenteng negosyante sa Pampanga.

Ayon kay Dizon, nakatakda siyang magdagdag ng P200,000 sa orihinal na P3 milyon pabuya sa sinumang magturo o magsabi kung sino ang mastermind sa likod ng bigong pagpatay sa kanya.

“Ginawa ko ang hakbang na ito para matuldukan na ang paghihirap ng kalooban ko pati na ang kapakanan ng aking pamilya,” pahayag ni Dizon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naitala ang bigong pagtangka sa buhay ni Dizon noong Pebrero 29, 2020. Matapos nito, agad naghain ng P3 milyong pabuya si Dizon sa magbibigay ng impormasyon hinggil sa planong pagpatay sa kanya.

Aniya, nakatayo siya sa harapan ng kanyang bahay nang pagbabarilin, sa kabutihang palad hindi siya tinamaan ng gunman. Ang naturang banta ay patuloy umanong nagdudulot sa kanyang pamilya ng mga gabing hindi makatulog dahil hanggang sa kasalukuyan ay malayang makagala ang salarin.

“Ang problema ay hindi namin alam kung kailan at saan kami titirahin ng salarin,” pahayag ni Dizon. “Parang nakakulong kami sa isang selda na walang kalayaan na gawin ang gusto naming dahil sa agam-agam at takot na mamatay ng walang kalaban-laban.” (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.