Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tirador ng cellphone umiskor sa simbahan

0 95

PINASOK ng isang lalaki ang opisina ng simbahan sa bayan ng Quirino, Ilocos Sur noong Linggo ng gabi, ayon sa Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) kahapon.

Ayon sa ISPPO, sa ulat ni Quirino Police Station (QPS) chief-of-police P/Lt. Alden Isang, sapol sa CCTV ang panloloob ng lalaki sa opisina ng simbahan sa Barangay Poblacion.

Sa report ng QPS, makikita sa video ang isang lalaki na naka-short pants, walang suot na pang-itaas, at mahaba ang buhok na pumasok sa opisina ng simbahan.

Sinabi ng opisyal, dumaan umano ang suspek sa naiwang nakabukas na sliding door hanggang sa pumasok ito sa isang kwarto kung saan dito niya kinuha ang cellphone na pagmamay-ari ng empleyado ng simbahan.

Nabatid na dumalo ang may-ari ng cellphone at mga kasama nito sa misa at pagbalik sa opisina ay naalala ang naiwang cellphone.

Nang hindi mahanap, ni-review nila ang kuha ng CCTV at dito na nakitang nilooban at kinuha ang kanyang cellphone. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.