Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tirador ng manok panabong timbog

0 146

Kalaboso ang isang magnanakaw diumano ng manok na panabong, nang makorner ng mga awtoridad at mahulihan pa ng marijuana sa Barangay Longos, Balagtas, Bulacan kamakalawa.

SM food to go Banner Ad

Kinilala ang suspek na si Joner Garcia na kumuha umano ng panabong ng isang sabungero sa nasabing barangay. Nahuli ito ng mga rumespondeng tanod at dinala sa presinto kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang marijuana na binalot sa papel. Nabatid na dating nangupahan ang suspek sa nasabing lugar kaya alam nito ang pasikot-sikot dito.

Ayon sa awtoridad umamin ang suspek na gumagamit ito ng droga. Paiigtingin naman ang imbestigasyon dahil sa posible umanong marami pang kaibigan at kasama sa pot session ang suspek. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.