Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tirador ng motorsiklo, mag-BFF kinalawit

0 301

Magkasama sa iligal na gawain, magkasama rin hanggang sa kulungan ang malapit na magkaibigan na umano’y tirador ng motorsiklo, matapos silang maaresto sa Caloocan City kamakalawa.

Paglabag sa Anti-carnapping Law ang kinakaharap ng hinuling suspek na sina Emil Ramirez, 25, binata, mekaniko, ng Bagong Silang at Alvin Lorenzana, 26, istambay, taga-Tala, ng nasabing siyudad.

Nag-ugat ang pagkakadakip sa magkaibigan nang magtungo sa police station si Mary Ann Dabu y Dela Cruz, 27, dalaga, bilang kinatawan ni Romel D. Dabu.

Ninakaw daw nina Ramirez ang kanyang motorsiklo sa may Brgy. 174, Camarin, Caloocan City noong Mayo 12 ng hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Itinuro ng babae ang kinaroroonan ng kawatan na noo’y nasa Langit Road, Bagong Silang, Caloocan City.

Hindi na nakapalag pa si Ramirez at ikinanta na kasabwat si Lorenzana kaya dinakip din ito.

Nasamsam kina Lorenzana ang anim na nakaw na motosiklo at ibat-ibang piyesa ng motor at mga plate number. (Orlan Linde)

Panawagan ng Caloocan Police, magtungo sa himpilan ng pulisya ang mga nawalan ng motorsiklo para makumpirma kung sa kanila ang mga narekober na sa magkaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.