Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tirador ng motorsiklo sa Caloocan tiklo

0 121

Nalambat ng Caloocan City Police ang isang Filipino-Chinese national na sangkot diumano sa pagnanakaw ng motorsiklo sa lungsod.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Law of 2016 si Neilmar Sinepete, 24, residente ng Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon sa pulisya, nasakote ang suspek alas-10:45 Lunes ng gabi sa bahay nito. Doon na nakita ang tatlong motorsiklo na nawawala kabilang ang isang motorsiklo ng isa sa nagsampa ng reklamo.

Bago inaresto si Sinepete ay dumulog muna sa pulisya sina Rose Marie Busa, 23; Jeno Ponce, 28; at Antonio Diocampo Jr. kasama ang dalawang saksi para ireklamong ang pagnanakaw ng suspek kasama ang dalawang kasabwat nito. Naaktuhan umano ang magkakasabwat na suspek habang kinukuha ang nakaparadang motorsiklo sa labas ng kanilang mga bahay.

Kasalukuyang pinaghahanap ang dalawang hindi pa nakikilalang kasabwat ng suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.