Abante Tonite Interactive

Tirador ng sales lady tigbak sa shootout

480

Nagwakas na ang masalimuot na buhay ng hindi pa nakikilalang holdaper nang mapatay ito ng mga pulis makaraang holdapin ang isang sales lady sa Caloocan City, Biyernes nang madaling-araw.

Sa panayam kay P/Lt. Col. Ferdie Del Rosario, Assistant Chief of Police for Administration (ACOPA), hindi pa nila nakikilala ang suspek dahil wala itong identification card sa bulsa.

Sabi ni Del Rosario, bago napatay ang suspek ay hinarang at hinoldap nito ang sales lady na si Lalaine Joy Mamaril, 30-anyos, dakong alas-2:35 nang madaling-araw.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na agarang nagsagawa ng Oplan Sita sa lugar para masakote ang suspek.

Nakorner ang suspek ng mga pulis pero sa halip sumuko ay nagpaputok ito ng baril kaya pinaputukan din siya ng mga awtoridad hanggang bumulagta. (Orlan Linde)