Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tirador ng traffic sign, huli sa akto

0 284

Nagbunga ang pagbabantay ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 9 sa mga nagnanakaw ng traffic sign o `reflectorized delineators’ nang maaktuhan ang dalawang kawatan na hawak ang 3 piraso nito kamakalawa ng gabi sa center island ng Roxas Boulevard sa Quirino Avenue, Malate.

Nasa kustodiya na ng MPD-PS9 ang mga suspek na kinilalang sina Michael Saludario, 28, ng Paranaque City at Eddie Garlit, 45, ng Malate, Maynila, na mahaharap sa reklamong theft (government property).

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Naganap umano ang insidente alas-9:00 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Oktubre 19, 2020 nang maghain ng reklamo si Engineer Mikunug D Macud, district engineer ng DPWH South Manila kaugnay sa pagkawala ng ilang pirasong eflectorized delineators sa center island ng R. Blvd. southbound dahilan para tutukan na ang lugar.

Hanggang sa maaktuhan ang 2 suspek na binabaklas ang 3 pang reflectorized delineators na nagkakahalagang P3,000.00. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.