Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tirang noodles puwede sa Spaghetti Frittata

0 194

May natirang spaghetti noodles pero wala nang sauce? Puwede pang ma-recycle ‘yan sa pamamagitan ng paggawa ng spaghetti frittata.

Ang frittata ay parang omelette. Pero sa halip na mga gulay tulad ng patatas at karne tulad ng ham ang laman ng binating itlog, sa Italya, ang frittata ay puwedeng lagyan ng pasta.

Kailangan lang ng:

200 grams na nalutong spaghetti noodles

1/4 tasang cheddar cheese na ginadgad

1/4 tasang parmesan cheese na ginadgad

1 butil ng bawang na tinanggalan ng balat at pinisa

1 kutsarang parsley na hiniwa

6 na pirasong sariwang dahon ng basil na hiniwa. Puwede rin ang 1 kutsaritang pinatuyong dahon ng basil

4 na itlog na babatihin

1/4 cup butter o margarine

4 na pirasong ham na hihiwain ng maliliit

1/3 tasang button mushrooms na hihiwain

Asin at pamintang panlasa

Paghalu-haluin ang lahat ng sangkap, maliban lang sa butter o margarine, at ibuhos ito sa nalutong spaghetti noodles.

Sa isang pan, tunawin ang butter o margarine. Idagdag ang spaghetti mixture. Ilapat sa mainit na butter at iprito sa mahinang apoy sa loob ng 10 minuto o hanggang medyo maging crispy na ito. Ilipat sa isang plato.

Tunawin ang 2 kutsarang margarine o butter sa pan. Iprito ang kabilang bahagi ng spaghetti omelette ng mga 10 minuto o hanggang maging golden brown.

Hiwain ang spaghetti omelette at isilbi kasama ng sawsawan na sweet and sour.

Ganoon lang kadali ang spaghetti frittata!

Marami pang puwedeng ipalit sa laman ng frittata tulad ng mga gulay na spinach at zucchini, lamang karne tulad ng nilutong giniling na karne, bacon at tuna mula sa lata, at maaari ring dagdagan ng avocado para mas healthy.

Kung may tirang frittata, ilagay lang ito sa refrigerator at initin na lang ulit kinabukasan. Maaari rin itong ipalaman sa tinapay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.