Abante Tonite Interactive

Tisay na aktres maitim ang budhi

1,318

NI: ROMMEL PLACENTE

TALAGANG maldita itong isang not so young actress (NSYA). Hangga’t maaari, ayaw niya na may nagpapa-picture sa kanya.

Ayon sa aming source,nu’ng minsang lapitan daw siya ng apat na fan nu’ng makita siya sa taping para magpakuha, ay bigla raw itong nag-dialogue na isa lang daw ang pwedeng magpakuha sa kanya.Pasigaw raw sinabi ‘yun. Sa takot ng mga fan, isa nga lang daw ang nagpa-picture.

Pero nu’ng umalis na raw itong si NSYA ay nakasimangot pa raw ito. Nagbulungan tuloy ang mga fan. Maganda lang daw si NSYA pero pangit naman daw ang ugali nito. Maitim ang budhi.Sino si NSYA? Mestisa siya at sikat.

Tonite – Wendys Inhouse Ad