Abante Tonite Interactive

Tisay na aktres preggy

849

Mukhang buntis ulit ang isang tisay na aktres (TA), pero wala pa itong ina-announce na kung anuman.

Tsika ng aming source, tila pinag-iisipang kunin si TA para sa isang ina-abangang teleserye ng isang network, pero balitang nag-beg off ito dahil mukhang preggy nga ito ulit.

Inihahanda na kasi ang nasabing teleserye at excited nang simulan ito ng bidang aktor (BA). Kaya lang, ang napiling kaparehang aktres (KA) nito ay abala pa sa ibang project.

Sakaling hindi pa maiwan ni KA ang ongoing serye nito at kailangan nang simulan ang inaabangang teleserye, baka raw humanap na lang ng ibang aktres na ipapalit kay KA.

Doon pumasok ang pangalan ni TA, na posibleng itambal kay BA. Kaya lang ay mukhang hindi kakayanin ni TA ang trabaho kung nagdadalantao nga ito.

At siyempre, hindi rin naman puwedeng habang nagti-taping ay palaki nang palaki ang tiyan ng bidang babae, eh hindi naman ito mabubuntis sa nasabing serye.

In fairness ay n­ormal lang naman na ma-preggers si TA dahil may asawa siyang tao. Hindi lang sure kung pinlano nila itong mag-asawa o bigla na naman silang nakabuo.

Looking forward si BA sa bagong project na ito na ibinigay ng kanyang network. Actually, kung hindi talaga matutuloy si KA ay may isa pang aktres na bagay na maging kapalit nito: si sosyaling aktres (SA).

Ang totoo ay maraming nagsasabi na bagay talaga kay SA ang role kung hindi rin lang si KA ang gaganap dito. Si SA raw ang perfect alternative.

Kung si BA lang ang tatanungin ay malamang sumang-ayon din siya na bagay si SA for the role, pero malabong mangyari ‘yon.

Alam kasi ni BA na magiging isyu pa kapag si SA ang naging kapareha niya sa nasabing serye. At malamang magkagulo lang, so iiwasan na lang niyang mangyari ‘yon.

Hindi kasi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi okey ang misis na aktres (MA) ni BA at si SA. May matagal nang hidwaan ang dalawa na hindi na natapos-tapos.

So, ipareha na si BA kahit na kaninong aktres, huwag lang kay SA.

Eddie Garcia kritikal sa ospital

Tinitipa namin ang kolum na ito bandang 5:00 PM kahapon ay hindi pa naililipat si Tito Eddie Garcia sa isang Quezon City hospital na sinasabing paglilipatan sa kanya.

Nasa isang ospital sa Maynila pa rin si Tito Eddie kung saan ito isinugod matapos mag-collapse sa taping ng bago nitong primetime series sa GMA-7 na “Rosang Agimat.”

Ayon sa mga unang lumabas na balita ay comatose ang 90-anyos na aktor, pero ayaw kumpirmahin ‘yon ng isang nakausap namin na nandu’n sa ospital dahil hindi pa raw niya masabi kung anong eksaktong lagay nito.

Sa mga sandaling ‘yon ay nasa ICU pa rin ang premyadong aktor at hindi pa umano ito pinapayagang mailipat sa ibang pagamutan.

Kuwento ng isa pa naming source, na-revive na raw ang aktor at nagkamalay sandali, pero nu’ng inihahanda na raw ang pag-transfer dito ay naging unstable ulit ito kaya kinailangan itong ibalik sa ICU.

From another source ay nagkaroon lang daw ito ng kaunting heartbeat at hindi tuluyang nagkamalay. Basta ang malinaw ay hindi totoong pumanaw ito matapos atakehin sa puso.

Nilinaw din ng una naming source na hindi totoong naaksidente ang aktor sa taping. Natumba lang daw ito at ‘yun pala ay nagkaroon ito ng severe heart attack.

Ang putla-putla ni Tito Eddie sa mga kumalat na pics online, na buhat-buhat siya ng mga tao sa set. Duda tuloy ng marami ay inatake siya sa tindi ng init sa location.

Ayon sa statement ng pamilya ng aktor ay under critical observation pa ang batikang aktor.

Patuloy nating ipagdasal ang pagbuti ng lagay at tuluyang paggaling ni Tito Eddie…