Abante Tonite Interactive

Tisay na young actress buntis

1,430

Buntis nga ba ang isang tisay na young actress (TYA)?

Ayon sa aming reliable source ay preggers si TYA courtesy of her pogilicious boyfie (PB).

Sa mga post ni TYA sa social media ay wala kang mahahalata dahil payat pa rin naman siya at parang wala namang nabago sa katawan niya.

But according to our source ay mga ilang buwan na rin ang dinadala ni TYA at sa ibang bansa nito nakatakdang isilang ang baby nila ni PB.

Bata pa si TYA at malayo pa ang puwedeng marating ng career niya sa showbiz, pero mauudlot ‘yon kung totoo ngang magiging isang ina na siya.

Bata pa rin ang nobyo ni TYA at mukhang wala pa sa plano nila pareho ang magkaanak, pero kung nabiyayaan na agad sila ay kailangan nilang tanggapin ito.

Sey ng aming source, mukhang secured naman ang future ni TYA at ng magiging baby niya dahil nakakaangat-angat sa buhay si PB.

Certified pogilicious ang boyfriend ni TYA kaya hindi naman kataka-takang nainlabey siya nang husto rito.

Posibleng sa mapupusok nilang mga loving-loving ay nakalimutan nilang mag-ingat at may nabuong buhay sa sinapupunan ni TYA.

From now on ay aabangan namin ang mga update sa social media ni TYA. Kapag napansin naming bigla na lang siyang nawala at hindi nagparamdam ay ‘yun na!

After 7 to 9 months ay young mom na ang peg ni TYA!
PAK!!

(Allan Diones)