Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tisoy na aktor beki ang sponsor

0 183

Ibang-iba na nga ang panahon ngayon. Kung dati’y itinatago pa ng mga personalidad ang mga ginagawa nilang milagro, ngayon ay lantaran na ang lahat, sila pa mismo ang nagpo-post ng mga ebidensiya kung nasaan sila.

May mga lalaking personalidad na umaarubayto (sideline), naglalabas sila ng mga retrato kung nasaan sila, para silang pako na nakalitaw ang ulo pero nakatago ang kung sino ang kanilang kasama sa biyahe.

“Kuwento ng aming source, “Si ____(pangalan ng tisoy na male personality) ang pinakamagaling sa ganu’n. Magaling siyang humanap ng sideline.

“Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa mokong na ‘yun, e, bukod sa guwapo na siya, maganda pa ang katawan at parang bagong paligo palagi ang datingan niya!

“Natural, kung isa kang becki na naghahanap ng makakasama sa paglalagalag, dito man o sa ibang bansa, e, talagang gora ka na sa male personality na ‘yun!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Iba-ibang becki ang kanyang kasama sa “pagbabakasyon” sa ibang bansa, pero mautak ang male personality, mga retrato lang niya ang makikita sa kanyang mga social media account.

Patuloy ng aming source, “Magaling siyang magdala, alam niya kung hanggang saan lang siya, usapan na siyempre nila ng sponsor niya ang ganu’n.

“Nu’ng minsang makita siya ng mga kababayan nating shopping galore sa isang mall sa isang Asian country, e, may mga nagpa-picture pa nga sa kanya.

“Game na game naman ang male personality na nagsabi pang nag-iisa lang siya, wala raw siyang kasama, pero ilang metro pa lang ang inilalayo ng mga nakipag-selfie sa kanya, e, lumutang na ang kasama niyang becki.

“Nandu’n na agad ang sponsor niya, magkasama na sila sa pagsi-shopping, magaling talaga ang tisoy na male personality sa paggawa ng paraan,” kuwento uli ng aming source.

Hindi masyadong problemado ang male personality sa pandemya, marami kasi siyang matatakbuhang sponsors, in fairness ay puring-puri naman kasi siya ng mga isponsores niya.

“Hindi kasi siya mapagsamantala nice siya, kung ano ang pinagkasunduan nila ng kasama niya, e, ‘yun lang ‘yun! Kumbaga sa isda, e, hindi siya mumurahin, hindi siya gurami, isa siyang balyena!” pagtatapos ng aming impormante.

John nagpakumbaba

Pinalagan ni John Regala ang rebelasyon ng kanyang kasamang si Teddy na nagpapabili siya ng mga gamot na hindi naman ipinapayo ng mga doktor na inumin niya.

Mas itinanggi ng action star na nagpapabili rin daw siya ng shabu habang nagpapagaling siya mula sa ospital. Kasinungalingan daw ‘yun, ayon kay John, may galit lang daw sa kanya ang naturang kasama niya na bigla na lang nawala nu’ng nagkakakuwentahan na kung magkanong donasyon ang nakalap ng mga tumulong sa kanya.

Sa pamamagitan ni Raffy Tulfo ay natulayan na ang problema ni John at ng mga taong kusang-loob na tumulong sa kanya. Wala na ang kanyang litanyang kahit singkong duling ay wala siyang naktia-nahawakan mula sa mga tulong na tinanggap nina Chuckie Dreyfuss, Tita Aster Amoyo at Nadia Montenegro para sa kanyang pagpapagamot.

Sa halip ay nagpakumbaba si John, nagpasalamat sa mga nagmalasakit sa kanya, nailatag naman nang maayos ng tatlo kung saan napunta ang mga donasyong tinanggap nila para sa aktor.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Okey, naayos na nila, pero siyempre, nu’ng magsalita si John na hindi niya naman nahawakan ang kahit singkong duling mula sa mga donasyong tinanggap ng mga tumulong sa kanya, e, nahusgahan na ‘yung mga tao.

“Na-bash na sila na pinagkakitaan lang nila si John, na mga user sila, masakit ‘yun! Huwag naman sana, pero next time na maulit ang indulto sa buhay ni John Regala, e, baka magdalawang-isip na ang mga kasamahan niya sa showbiz para tumulong sa kanya.

“Mahirap na nga naman! Tumulong na nga sila, e, napasama pa sila, nabaligtad pa ang kuwento!” madiing sabi ni prop.

Leave A Reply

Your email address will not be published.