Abante Tonite Interactive

‘Titigasan ako’- Paolo

By
8,759

Maraming something in common sina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff. Professional makeup artist si Solenn at si Paolo ang tinaguriang King of Makeup Transformation.

Nagpi-paint si Sos habang si Paolo ay mahusay mag-drawing at nagpi-paint na rin ngayon. Matagal na raw gustong gawin ‘yon ni Pao, wala lang space.

Resin ang ginagamit ni Pao sa kanyang colorful paintings. Mas type niya ang abstract dahil color blind daw siya. Nag-paint siya dati, kulay green ‘yung tao, akala niya brown.

Dream din ni Pao na magka-art exhibit gaya nina Solenn at Heart Evangelista.

Bakit hindi siya mag-paint ng nudes? Mga hubad na lalaki, ganern?

“Huwag nang gano’n, titigasan ako habang nagpi-paint ako! Ha! Ha! Ha!” maharot na sagot sa amin ni Paolo.

Mas gusto niya raw mag-paint ng female nudes dahil mas maipapakita niya ang beauty kapag babae ang subject.

If ever ay si Solenn ang bet niyang i-paint nang hubad. Kung lalaki ay si Piolo Pascual ang bet niyang ipinta.

Consistent si Pao sa pagsasabing crush niya si Piolo. Minsan na raw niyang nakita si Piolo sa isang salon. Binati niya ito at ang sabi nito sa kanya, “O bro, kamusta?” Kinilig daw siya.

Puring-puri ni Paolo ang My 2 Mommies co-star niyang si Solenn, na ang ganda na ay may lalim pa raw ang akting.

Nagkatrabaho sila dati sa Eat Bulaga at noon pa lang ay wala na raw itong kaarte-arte at laging maaga sa set.

Kasama rin sa My 2 Mommies sina Maricel Soriano, Joem Bascon at ang nakakatuwang bagets na si Marcus Cabais. Showing na sa May 9.