Abante Tonite Interactive

Title defense ng Ateneo Sept 4 kontra Adamson

149

Sisimulan ng Ateneo de Manila University ang men’s basketball title defense sa pagsiklab ng 82nd University Athletic Association of the Philippines 2019 sa Setyembre 4 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Gaganaping main game saalas-4 ng hapon ang ADMU Blue Eagle-ADU Soaring Falcons sa triplebill, tampok sa alas-10:30 ng umaga ang banatang University of Santo Tomas-University of the East, at sa 12:30 ng hapong duwelo ng last year yea’s runner University of the Philippines at Far Eastern University.

Dalawa sa pangunahing Armas ng Loyola heights-based squad ni coach Tab Baldwin sina Thirdy Ravena at Angelo Kouame.

Sabay sa naturang araw ang women’s division na kapapalooban ng komprontasyong UST-UE sa alas-8:30 ng umaga sa Big Dome rin, kasabay ang FEU-UP sa UST Pavilion kasunod ang Ateneo-Adamson sa alas-10 ng umaga. (Janiel Abby Toralba)