Abante Tonite Interactive

Tito ayaw bumalimbing kina JV, Jinggoy

By
1,018

Hindi kailangang ma­mili ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kung sino ang kanyang susuportahan sakaling magsabay na kumandidato ang magkapatid na sina Senador JV Ejercito at dating Senador Jinggoy Estrada.

Ayon kay Sotto, kapwa niya ikakampanya ang dalawa pagdating ng 2019 midterm election.

“JV is a re-electionist. I will definitely campaign for him. Jinggoy is an old friend. He used to be a senator. If he runs, I will have to campaign for him,” saad ni Sotto.

Wala ring nakikitang problema si Sotto kung magkasabay man sa Senado ang magkapatid.

“There was a time when there were two Sottos in the Senate. Filemon Sotto and Vicente Sotto. Nagkasabay pa during the Commonwealth,” dagdag ni Sotto.