Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tito binaril mga nambugbog sa pamangkin, kalaboso

0 102

Nadakip ng mga operatiba ang isang lalaki nang ireklamo dahil sa pamamaril nito sa tatlong katao na nakaaway ng kanyang pamangkin Quezon City noong Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Carlito Revillame, habang ang mga biktimang nasapol ng bala ay sina Gilplicio Costona, Romnick Andor at Jessie Boy Aguas, pawang mga taga-Brgy. Pag-Asa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat, nakipag-iinuman umano ang pamangkin ng suspek sa tatlong biktima nang magkaasaran sa gitna ng debatehan hanggang pagtulungang bugbugin ang una.

Tumakas ang pamangkin ng suspek habang nagbanta na babalikan ang tatlo. Makalipas ang ilang minuto bumalik ang pamangkin sa inuman kasama si Revillame na armado ng baril at walang habas na nagpaputok sa lugar ng mga biktima.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril pero naaresto ito nang dalawin ang pamangkin na nagpapagamot sa EAMC dahil sa tinamong mga pasa at sugat sa katawan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.