Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tito: VP ako `pag tumakbo si Ping

0 326

Kung magdesisyon umano si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022, tiyak na si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang running mate nito.

“We are seriously contemplating on it. There are some groups and some sectors that have approached me and Sen. Lacson. If Sen. Lacson decides to run for president, I will definitely be his running mate,” pahayag ni Sotto sa mga reporter.

Naghihintay na rin umano ang mga kapartido ni Sotto sa Nationalist People’s Coalition (NPC) ng kanyang desisyon hinggil sa kanyang plano sa susunod na halalan.

SM food to go Banner Ad

Ihahayag umano ni Sotto ang kanyang desisyon matapos ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Batay sa resulta ng Pulse Asia survey noong Disyembre 2020, pangatlo si Sotto sa mga vice presidentiable sa susunod na halalan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.