Abante Tonite Interactive

Titos and Titas of Manila, super trending sa Facebook

259

Super trending nga­yon ang Facebook group page na ‘Classic Pare Titos and Titas of Manila’ na umaabot na sa mahigit 500,000 ang mga miyembro hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Walang tigil ang pa­litan ng sagot sa mistulang mga trivia questions tungkol sa sari-sa­ring mga paksa tungkol sa lugar, usong laro, pa­labas, pagkain, damit at sapatos at marami pang iba na umiikot sa mga bagay na nauugnay tungkol sa kultura noong dekada­ 70s, 80s na hindi ma­ubos-ubos.

Halos bumaha ang timeline ng mga online community members oras-oras sa dami ng happy memories noong ­unang panahon.

Abante Hiring – IT dep

Mistulang na­ging meeting place ito ng mga ‘generation X’ na ang tanging layunin ay maibalik ang ‘the good old days.’

Kung dati, pulitika ang namamayagpag na topics sa FB, hindi na ngayon dahil puro good vibes ang mababasa mo sa thread ng Titos and Titas of Manila.

Nakaaliw, nakakaba­liw ang mga super throwback na flashback ang mga posts dito na mula noong ­unang panahon.

Walang bashing,­ walang siraan at awayan­ dahil classy at wholesome ang mga titos and titas of Manila na halos wala pang isang buwan nang itatag ni Mark del Rosario na nasa likod ng Let’s Eat Pare, isa sa pinakamalaking food communities sa Pilipinas.

Kahit puro ‘forgets’ at ‘thunders’ ang karamihan sa mga miyembro nito, bukas ang group page na ito sa mga bagets at millennials. Kaya join na kayong lahat dito.