Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser, 5 pa timbog sa hotel buy-bust

0 177

Dinakip ng Bocaue Police ang 6 katao, kabilang ang isang teacher, makaraang kumagat sa nilatag na buy-bust operation habang magkakasamang naka-check in sa loob ng isang hotel sa Barangay Lolomboy, Martes ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga naarestong sina Michael Moraga; Jonathan Gonzales; Apolonio Dela Cruz, teacher; Regel Mendoza; Alejandro Benedicto; at Wendy Delos Angeles.

SM food to go Banner Ad

Kinasa ang operasyon sa isang silid ng isang hotel kung saan naka-check in ang mga suspek na bukod sa pagtutulak ng shabu ay nagsasagawa din ng pot session. Hindi na nakapalag ang mga suspek nang pagbentahan nila ng shabu ang undercover agent at makumpiska sa kanilang pag-iingat ang sampung pakete ng shabu, assorted drug paraphernalia, at buy-bust money.

Napagalamang bukod sa pagtutulak ng shabu ay ibinubugaw umano ng kinakasama ng nahuling babaeng suspek na si Delos Angeles ang kanyang ka-live in pagkatapos bumatak ng droga sa loob ng hotel.

Samantala, 11 pang drug suspect ang nadakip din mula sa Marilao, Plaridel, Sta. Maria katuwang ang Bulacan Provincial Intelligence Unit nitong Martes. At umabot sa kabuuang 47 pakete ng shabu ang narekober. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.