Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser binaril sa batok

0 60

Nasawi noon din ang isang public high school teacher nang barilin sa batok, Lunes ng hapon habang nagsi-cellphone sa kanilang terrace sa Brgy. Poblacion Norte, Rizal, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Mayor Trina Lapuz, ang biktima ay si Richard Tolentino Peñaflor, 31, titser sa Rizal National High School, ng Brgy Poblacion Norte, Rizal, Nueva Ecija.

SM food to go Banner Ad

Sa pagsisiyasat ni PSMS Marlon G Concepcion, ala-1:30 ng hapon, hawak ng biktima ang kanyang cellphone nang barilin ng di pa nakikilalang salarin na nakaputing t-shirt, pantalong maong, bull cap at facemask.

Mabilis umanong tumakas ang salarin na may taas na 5’5 – 5’6 at katamtaman ang pangangatawan.

Sa panayam ng Abante, dalawang anggulo umano ang sinisilip ngayon na motibo sa krimen, `love triangle’ at `mistaken identity’, ayon kay Concepcion. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.