Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser binaunan ng 3 tingga

0 136

Patay ang isang lalaking guro matapos barilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng isang eatery sa Sariaya, Quezon, Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Sariaya police ang biktima na si Domingo Jaron, 56, residente ng Barangay Lutucan.

Sa report, alas-10:00 ng gabi, nasa loob ng eatery sa Guis Guis-Lutucan national road ang biktima nang pumasok ang suspek, bumaba sa isang walang plakang motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagdaka’y pinagbabaril nito ang biktima na nagtangka pang tumakbo subalit bumulagta rin sa pinto ng kainan matapos muling barilin ng suspek.

Agad nasawi ang biktima na nagtamo ng tatlong bala . Agad ding tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Blangko pa ang mga pulis sa motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.