Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser binully, mga grade 9 student sinuspinde

0 114

Pinatawan ng tatlong araw na suspensiyon ang ilang mag-aaral sa Grade 9 sa isang pampublikong eskuwelahan sa Cebu City dahil sa pambu-bully diumano sa kanilang math teacher sa pamamagitan ng group chat.

Nabatid na hindi na umano nakatiis ang anak ng guro na itinago na lang ng Abante Tonite sa pangalang Alyssa dahil masyado na umanong masasakit, nakakairita at hindi na tama ang pagsagot ng ilang estudyante ng kanyang ama na guro sa isang public high school sa Cebu City.

Ibinahagi ni Alyssa sa pamamagitan ng pag-share sa kanyang Facebook account ang mga screenshot ng group chat ng guro at mga estudyante kaugnay sa instructions para sa kanilang test kung saan wala umanong respeto ang mga mag-aaral.

Nakarating sa kaalaman ng pamunuan ng eskuwelahan ang naturang post at agad na inimbestigahan ang kaso saka nagdesisyon na parusahan ang ilang estudyanteng nam-bully sa guro.

“The decision is reached mindful of the welfare of all concerned. As a reminder, students are strongly advised to be keenly aware of their actions, whether personal or virtual, that can possibly hurt others and affect their status in this school. Proper decorum is a must. Empathy, kindness, and respect are basic virtues which are essential to becoming a contributing member of the society,” pahayag ng eskuwelahan.

Pinatawan umano ng 3-araw na suspensiyon ang hindi tinukoy na bilang ng mga Grade 9 student.

Samantala, nirerespeto diumano ng Department of Education sa Central Visayas ang desisyon ng eskuwelahan na patawan ng parusa ang mga mag-aaral na lumabag sa cyberbullying. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.