Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser dinedo ng estudyante

0 236

Nasawi ang isang guro nang bugbugin at saksakin ng dati niyang estudyante sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Taul Punzalan, nagtuturo sa Tala High School, residente ng Barangay Tala ng nasabing lungsod, subalit binawian din ng buhay dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mga pasa sa mukha.

Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si Albert Guanlao, nasa hustong gulang.

Sa ulat, alas-9:00 kamakalawa ng umaga, nagtungo daw sa bahay ni Punzalan Guanlao ang dati niyang estudyante.

Narinig pa daw ng mga kapitbahay na sir pa ang tawag nito na pinapasok naman sa bahay ng biktima.

Ilang sandali lang ay napansin ng mga kapitbahay ang usok na nagmumula sa bahay ni Punzalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad nila itong kinatok sa pag-aakalang nasusunog ang tahanan ng guro.

Dahil walang sumasagot ay pumasok na at tumambad ang duguang biktima.

Nagmula ang usok sa naiwang niluluto ni Punzalan.

Isinailaim sa drug test ang nadakip na suspek na nahaharap sa kasong murder.

Inaalam pa ang motibo sa krimen. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.