Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser nagpa-abort, dinemanda ng mister

0 349

Inaresto ng mga tauhan ng Northern Police District Special Operation Unit (NPDSOU) ang isang school teacher matapos sampahan ng kasong paglabag sa Article 256 of the Revised Penal Code o intentional abortion ng kanyang mister sa Navotas City.

Ang pagkakaaresto sa school teacher, na pansamantalang itinago ang pagkakilanlan ay base sa warrant of arrest na inisyu ni Navotas Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Frederick G. Separa ng Branch 118 para sa kasong intentional abortion.

Ayon kay NPDSOU OIC P/Maj. Amor Cerillo, maliban sa paglabag sa Article 256, nag-isyu din si Judge Separa ng isa pang warrant of arrest kontra sa school teacher ng Navotas para sa simple disobedience na may petsang Disyembre 9, 2020.

SM food to go Banner Ad

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng DSOU sa pangunguna ni P/SSg. Allan Reyes sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Cerillo sa Champaca St., NBBS Proper, Navotas City ala-1:40 ng hapon.

Bago kinasuhan ang titser, sinampahan muna umano nito ang kanyang mister ng paglabag sa R.A. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act matapos umano siyang bugbugin.

Matapos kasuhan ang esposo ay nagsampa naman ng hiwalay na reklamo ang mister kontra kay misis para sa nasabing intentional abortion kung saan ang prosecutor ay nakakita ng sapat na batayan upang maiangat ang kaso sa MTC. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.