Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser natakot sa COVID, nagbigti

0 309

Matapos nagpositibo sa COVID-19, nagpakamatay ang isang high school teacher sa bayan ng Tumauini, Isabela noong Biyernes.

Ayon kay Tumauini Police Station (TPS) commander P/Maj. Rolando Gatan, patuloy pa ang ginagawa nilang imbestigasyon hinggil sa nag-suicide na titser.

Sa police report, sinabi ng TPS, naging ugali na umano ng di na pinangalanang guro na patulugin ang kanyang anak sa loob ng kanyang kuwarto ngunit napansin ng kanilang kasambahay na hindi lumabas ang biktima matapos patulugin ang anak.

SM food to go Banner Ad

Dala ng pag-aalala, binuksan ng kasambahay ang kuwarto ng kanyang amo at nagulat nang mabungarang nakabitin na sa kisame ang guro gamit ang nylon cord.

Sabi ng pulisya, bago ang pagpapakamatay, napansin ng kanyang mga kapatid na maysakit ang biktima kaya isinailalim sa swab test.

Sinabi ni Gatan, nakausap niya ang Municipal Health Officer ng Tumauini at kinumpirmang nagpositibo sa COVID-19 virus ang biktima, na pinaniniwalaang dahilan kaya nagpapakamatay ang guro. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.