Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser, negosyante tsugi sa overtake

0 79

PATAY ang isang teacher at isang negosyante matapos banggain ang kanilang sinasakyan ng isang truck sa national highway ng Barangay Rizaluna, Alicia, Isabela, Martes ng hapon.

Halos naliligo sa sariling dugo ang biktimang sina Novalie Pagapa, isang registered teacher at negosyanteng si Bella Lappao, 52, kapwa taga-MH del Pilar, ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa Alicia Police Station (APS), naganap ang insidente alas-5:07 ng hapon.

Ayon sa APS traffic bureau, binabiyahe umano ng forward truck driver na si Teofy Masibay, 42, may-asawa, ang kalsada ng Barangay Lappao habang nasa kasalungat na direksyon ang mga biktima nang nag-overtake umano ang sinasakyang kolong kolong nina Novalie at Bella at nasakop ang lane ng trak dahilan upang masalpok ito.

Sumuko naman ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to properties. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.