Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser ninakawan na, tinodas pa ng kawatan

0 162

Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang 55-anyos na babaeng guro matapos umano itong hampasin ng dubbells ng mga hindi pa kilalang suspek sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Pasado alas-otso Miyerkoles ng umaga nang madiskubre ng kanyang pamangkin ang biktimang si Cecilia Adorador, teacher ng Agusan Elementary School at residente ng Brgy. Aguisan.

Ayon sa pulisya, mag-isa lang na naninirahan ang biktima sa kanyang bahay ng pasukin ito ng hindi bababa sa dalawang suspek at pagnakawan.

Putok ang ulo ng biktima na pinaniniwalaang hinampas ng dumbbell ng isa sa mga suspek habang napakagulo ng buong kabahayan patunay na hinalughog ito at wala na rin ang mga alahas at pera ng biktima.

Ang duguang dumbbell ay nakita ilang metro ang layo sa bangkay ng biktima.

Teorya ng pulisya posibleng nagising ang biktima habang naghahalungkat ang mga magnanakaw at tinangka umano nitong lumaban dahilan upang patahimikin ito sa pamamagitan ng paghampas sa ulo nito.

Posible ring residente din ng barangay ang mga suspek dahil alam nila na nag-iisa lang ang biktima na naninirahan sa kanyang bahay. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.