Abante Tonite Interactive

Titser, pupil nasabugan ng granada sa eskuwela

334

Kapwa isinugod sa ospital ang isang guro at kanyang estudyante nang masabugan ang mga ito ng pinaglaruang granada ng bata sa loob mismo ng paaralan sa Zamboanga del Norte kahapon nang umaga.

Batay sa nakalap na ulat, ang biktima ay kinilalang sina Desiderio Pizon Acain, 54, teacher sa Ganase Elementary School at mag-aaral nitong si John Michael Fabraquel Baunillo, 12-anyos at grade 6 pupil sa nabanggit na eskuwelahan.

Lumilitaw sa report ng pulisya na bago ang insidente ay sinasabing pinaglaruan ng bata ang isang rifle grenade ngunit sa kasamaang palad ay biglang sumambulat.

Abante Hiring – IT dep

Bunga ng insidente’y mabilis na itinakbo sa Liloy Integrated Hospital ang nabanggit na guro at estudyante nito na kapwa nasugatan kung saan ilang bahagi din ng silid-paaralan ay napinsala.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya kung sino ang may-ari ng granada at kung bakit naipuslit ito sa nasabing paaralan.