Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Titser sa Batangas obligado mag-PPE

0 67

Hindi malaman ng mga pampublikong guro sa Batangas kung matutuwa sila sa polisiya ng school division hinggil sa pagsusuot umano ng personal protective equipment (PPE) habang nasa eskuwelahan.

Ayon sa ilang guro, natutuwa sila dahil inaalala ng kanilang school division ang kaligtasan laban sa COVID-19 subalit tila umano hindi akma ang pagsuotin pa sila ng PPE kasabay ng face mask at face shield.

Himutok ng ilang guro, overacting na yata ang pagsusuot nila ng PPE dahil nanatili naman ang sistema ng klase sa distance learning at nagsosolo lamang sila sa kanilang mga classroom at paminsan-minsan lamang may nakakaharap na mga magulang na kumukuha ng modules sa kanilang mga anak.

Wala rin umano silang direct contact sa mga ito dahil kinukuha lamang ang mga educational learning material na malayo naman sa kanilang puwesto.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa gurong nagpakilala sa pangalang Mercy mula sa isang eskuwelahan sa San Juan, Batangas, hindi nila alam kung saan galing ang mga PPE na basta na lamang ipinamahagi sa kanila.

Sa pagtatanong ng Abante Tonite sa mga opisyal ng District of San Juan, Batangas, bahagi umano ang mga PPE ng P1,800 na nakalaan para sa mga guro mula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng kanilang mga paaralan.

May kasama rin umano itong iba pang supply tulad ng alcohol, face shield at face mask.(Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.