Abante Tonite Interactive

Titser sa `Kill Duterte’ tweet lumaya sa P72K piyansa

0 424

Nakalaya na rin ang isang public school teacher na inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa `Kill Duterte’ tweet nito.

Base sa press statement ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) nitong Martes, Mayo 19, inutos ni Olongapo City Regional Trial Court Branch 72 Presiding Judge Richard Paradeza ang pagpapalaya kay Ronnel Mas matapos na magpiyansa ito ng halagang P72,000.

Nakasaad din sa release order ng korte ang itinakdang pagbasa ng kaso at pre-trial kay Mas na gaganapin alas-8:30 ng umaga sa Mayo 28

“Justice, however, is yet to be gained. The Duterte government shall answer for their blatant disregard of Teacher Ronnel’s rights and freedoms when the NBI coerced him into admission, presented to and humiliated him in front of the press, and illegally detained him for eight days,” nakasaad pa sa pahayag ng ACT.

Tonite – Wendys Inhouse Ad