Abante Tonite Interactive

Titulo ng lupa

941

Dear Atty. Claire,

May lupa po kaming mag-asawa at ito ay nakarehistro sa aming pangalan. Noong nagpunta kami sa ibang bansa ay iniwan namin ang orihinal na kopya o ‘yung ­Transfer ­Certificate of Title sa aking biyenan na ­babae.

Napag-alaman ­namin na inilipat ng biyenan ko ang titulo sa pangalan ng iba sa pamamagitan nang pagpeke sa aming pirma. Mahahabol pa po ba namin ang aming karapatan sa lupa?

Kind regards!

Reggie

Dear Reggie,

Ang lahat ng pagsasalin ng isang ari-arian sa pamamagitan ng pagpeke ng pirma ng tunay na may-ari ay walang bisa dahil lumalabas na walang consent o pahintulot ang paglilipat o pagbebenta ng nasabing ari-arian. Ang consent o pahintulot ng may-ari o authorized representative nito ay isa lamang sa mga elemento upang magkaroon ng isang valid at ligal na kontrata.

Related Posts

Nasabi mo na kayo ay wala sa bansa kaya iniwan ninyo ang ­titulo ng lupa ninyo sa iyong biyenan kaya maipapakita mo sa korte na naisagawa ang paglilipat sa ibang tao ng inyong lupa nang wala kayo rito sa Pilipinas at imposible na makapirma kayo o pumasok sa anumang kontrata lalo pa at wala naman kayong Special Power of Attorney na ginawa pabor sa iyong biyenan upang makapasok sa anumang kontrata patungkol sa inyong lupa.

Upang lalong ­ma­ging malakas ang iyong kaso ay kumuha kayo ng kopya ng kontrata ng paglilipat ng lupa sa Register of Deeds kung saan nakarehistro ang lupa at alamin kung paano naisalin ito sa iba.

Mas mainam na maipasuri sa handwriting expert ang mga pirma rito at kumuha ng ­certificate na ­makakapagpatunay na hindi ninyo pirma ang nasa ­nasabing kontrata ng pagli­lipat. ­

Ihanda mo rin ang mga passport ninyo upang maipakita na wala kayo sa bansa nang naganap ang pirmahan sa kontrata.

Dahil sa nanay ng asawa mo ang siguradong kakasuhan ninyo ay kinakaila­ngang magawa ninyo ang lahat ng paraan upang magkasundo at maayos ang gusot.

Ngunit kung hindi magkaroon ng pagkakasundo ay dapat na mailagay ang nasabing kabiguan na maayos ang ‘di pagkakaunawaan sa inyong salaysay.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 4107624 o 9220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.