Abante Tonite Interactive

Tiu pinapadyak ang Stags

By
1,614

Nailabas din ng Che’Lu Bar & Grill-San Sebastian College Recoletos ang hinahanap na finishing kick sa paggabay ni coach Stevenson Tiu.

Kumana ng 13-6 run ang Revellers sa final 3 ½ minutes para itakas ang 83-79 desisyon kontra AMA Online Education Titans kahapon sa 8th PBA D-League 2018 Aspirants Cup elims sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagliyab si Kent Ilagan sa labas ng arc nang tumira ng 6 for 11 tungo sa 22 points para giyahan ang Che’Lu Bar & Grill, nagdagdag si Samboy de Leon ng 21 points, huli ang dalawang free throws at jumper na nagsara sa laro.

Matamlay lagi ang umpisa ng Revellers, hindi naiba rito ang laro kontra Titans. Ayon nga kay Tiu, isinuko na niya ang panalo.

Noong Lunes ay tumukod ang Che’Lu Bar & Grill sa Wangs-Letran 83-82.

Pero nagising ang kaniyang mga tauhan sa pagkakataong ito para umangat sa 2-1 at isalya ang AMA sa 0-3.

“Every game laging slow start kami,” anang coach. “Kahit anong adjustment ganun pa rin kaya hindi namin makuha ‘yung rhythm namin.”

Naghahabol ang San Sebastian 21-18 pagkatapos ng first quarter at 39-35 sa break, naiiwan pa rin 58-56 pagkatapos ng three.

Nanguna sa AMA Online si Robbie Manalang na may game-high 28 points. (Vladi Eduarte)