Tiu sa mga fan ni Kobe: Sorry late na idol n’yo!

462

Huli na ang lahat.

Ito ang mensahe ni Charles Tiu sa mga fan ni Kobe Korenzo Paras kaugnay sa pagtutulak ng mga ito na maisama sa koponan ang UP Fighting Maroon star na kakampanya sa 31st Dubai International Basketball Championship 2020 sa United Arab Emirates sa Enero 23-Pebrero 1.

Giniit sa tweet ng isang netizeng si @treblijunyor21 na dapat idagdag ang dating Gilas player sa Mighty Sports.

Pero ang tinugon ng Mighty Sports coach sa pamamagitan ng @charlestiu: “Would have loved to. But it’s too late.”

Wala man sa final cut ay ‘di naman bitter si Kobe.

“Next time, coach. 😉 Happy new year and good luck to you, the team, and management out there!” sabi paha­yag ng basketbolista sa account niyang @_kokoparas.

Kasaluku­yang todo-ensayo na ang koponan para sa Dubai hoopfest na rito’y puntir­yang lampasan ang 2019 edition third place finish.

Nabuo sa PH bet squad sina Kai Zachary Sotto, Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, Sean Dave Ildefonso, Juan at Javi Gomez de Liano, Renaldo Balkman, McKenzie Moore, Jelan Kendrick, Gab Banal, team captain Andray Blatche at iba pa. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...