Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tiwala sa PhilHealth ibabalik ni Gierran – Malacañang

0 70

Malaki ang maitutulong ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran para bumalik ang tiwala ng mga tao sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon sa Malacañang.

Noong Lunes ng gabi hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gierran bilang bagong president at chief executive officer ng PhilHealth.

“Tingin ko naman, sapat na po iyong ginawa ni Presidente na pinalitan niya po at nagtalaga siya ng bagong presidente at CEO ng PhilHealth at nagpapatuloy po ang imbestigasyon,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkoles.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.