Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden parang buntis

0 303

Maraming nakapansin sa itsura ni NBA star James Harden bago nakumpleto ang trade na nagdala sa kanya sa Brooklyn mula Houston.

Hindi ang kanyang balbas dahil makapal pa rin.

Ang nakaw-eksena – tiyan.

Habang nasa Rockets pa, may naglabas ng meme ni Harden na umbok ang tiyan.

Namaga raw dahil hindi agad nag-ensayo at nagpa-kondisyon noong preseason.

Nakasuot na ng Nets jersey ay halata pa rin ang bondat na tiyan ng The Beard.

Sa tiyan lang naman, dahil dati pa rin ang hulma ng mga braso at hita.

Lumaki ang bodega pero walang nabago sa laro.

Sa unang salang sa Brooklyn, paramdam agad si Harden ng triple-double na 32 points, 12 rebounds at 14 assists. Click pa rin sila ni Kevin Durant na may ayudang season high 42 points.

Pinangunahan ng dalawa ang Nets sa 122-115 panalo kontra Orlando Magic Sabado ng gabi.

Hindi umiskor si Harden hanggang pumasok ang dalawang free throws 6.8 seconds na lang sa first quarter. Pumasok ang una niyang basket – layup sa 10:07 mark ng second period. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.