Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tiyo ginilitan pamangkin, 6-anyos apo dinamay

0 87

Brutal na pinatay ng sariling tiyuhin ang mag-ina sa pamamagitan ng paglaslas sa kanilang leeg habang napatay din ang suspek matapos manlaban sa umarestong kagawad ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Tomalaytay, Castilla, Sorsogon.

Ayon kay Police Col. Arturo Brual Jr., Provincial Director ng Sorsogon Police Provincial Office (PPO), alas 10:00 ng umaga.

Kinilala ang mag-inang biktima na sina Rose Ann May Tariaga, 23, na may malalalim ding saksak

hita at leeg na halos ikapugot ng kanyang ulo, basag din ang panga nito at iniimbestigahan kung hinalay ng suspek matapos matagpuang hubo’t-hubad.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman binanggit ang pangalan ng 6-anyos nitong anak na nagilitan din at pinagsasaksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Hindi naman ginalaw ng suspek ang 1-anyos na bunsong anak ng biktima na naliligo sa dugo habang katabi ang bangkay ng ina.

Kinilala naman ang suspek na si Joey Llames Blanca, tiyuhin ni Tariaga.

Nadakip ito sa follow up operation subalit sinubukan umanong mang-agaw ng baril kaya napatay. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.